Digmaang Pilipino - PowerPoint PPT Presentation

1 / 15
About This Presentation
Title:

Digmaang Pilipino

Description:

Hamon sa Malayang Bansa Sociego Street, Santa Mesa, Manila. Presented by: Arnel O. Rivera MAT-SS Timeline Timeline Digmaang Kastila-Amerikano Ideneklara ng Estados ... – PowerPoint PPT presentation

Number of Views:950
Avg rating:3.0/5.0
Slides: 16
Provided by: wikis2094
Category:

less

Transcript and Presenter's Notes

Title: Digmaang Pilipino


1
Digmaang Pilipino AmerikanoHamon sa Malayang
Bansa
Sociego Street, Santa Mesa, Manila.
  • Presented by Arnel O. Rivera
  • MAT-SS

2
Timeline
Pinasinayaan ang Unang Republika ng Pilipinas sa
Malolos, Bulacan. Hindi ito kinilala ng mga
Amerikano
Naganap ang Mock Battle of Manila. Sumuko ang mga
kawal na Kastila sa mga Amerikano.
Ideneklara ng Estados Unidos ang digmaan laban sa
Espanya
Abril 21, 1898
Mayo 1, 1898
August 13, 1898
Disyembre 10, 1898
Enero 23, 1899
Naganap ang makasaysayang Labanan sa Manila Bay.
Nilagdaan ng US at Espanya ang Kasunduan sa
Paris. Pormal na inilipat sa Amerika ang
pananakop ng Pilipinas
3
Timeline
Sumuko si Hen. Simeon Ola sa Guinobatan, Albay.
Pormal na nagwakas ang digmaan laban sa mga
Amerikano.
Binaril at napatay ng isang Amerikanong sundalo
ang isang kawal na Pilipino. Ito ang simula ng
Digmaang Pilipino-Amerikano.
Nahuli si Hen. Aguinaldo sa Palanan, Isabela.
Pebrero 4, 1899
Marso 31, 1899
Marso 23, 1901
Abril 16, 1902
Setyembre 25, 1903
Bumagsak sa kamay ng mga Amerikano ang Malolos.
Inilipat ni Aguinaldo ang kabisera sa San
Fernando, Pampanga
Sumuko sa mga Amerikano si Hen.Miguel Malvar sa
Lipa, Batangas
4
Digmaang Kastila-Amerikano
  • Ideneklara ng Estados Unidos ang digmaan laban sa
    Espanya matapos ang pagsabog ng barkong Maine sa
    Havana, Cuba noong Peb. 15, 1898. Inutusan si
    Com. George Dewey na lusubin ang hukbo ng mga
    Kastila sa Manila Bay sa pamumuno ni Adm.
    Patricio Montojo. Ito ang naging simula ng
    pagkatalo ng mga Kastila.

Balik sa Timeline
5
Mock Battle of Manila
  • Upang maiwasan ang kahihiyan, lihim na
    nakipagkasundo ang mga Kastila sa mga Amerikano
    na magkaroon ng isang kunwaring labanan kung saan
    susuko ang mga Kastila sa mga Amerikano.
    Matagumpay na nasakop ng mga Amerikano ang
    Intramuros at hindi pinayagan ang mga Pilipino sa
    nasabing labanan.

Mga sundalong Kastila na sumuko sa mga puwersang
Amerikano(1898)
Balik sa Timeline
6
Kasunduan sa Paris
  • Pormal na isinuko ng mga Kastila sa mga Amerikano
    ang pamamahala ng Pilipinas, Guam at Puerto Rico.
    Nagbayad naman ang pamahalaang Amerikano ng
    halagang 20,000,00 bilang kabayaran sa mga
    nasirang ari-arian ng Espanya sa mga nasabing
    lugar. Walang
  • kinatawan ang mga Pilipino sa nasabing
    kasunduan. Kasabay nito, ipinahayag ni Pang.
    William McKinley ang Benevolent Assimilation.

Balik sa Timeline
7
Unang Republika ng Pilipinas(Malolos Republic,
1899)
8
Unang Republika ng Pilipinas(Malolos Republic,
1899)
  • Matapos ang ideklara ang kalayaan ng Pilipinas
    noong ika-12 Hulyo 1898, binalangkas ng mga
    mambabatas sa pamumuno ni Felipe Calderon ang
    Saligang Batas ng Malolos upang pagtibayin ang
    pagpapahayag ng kalayaan. Noong Enero 23, 1899,
    pinasinayaan ang Republika ng Pilipinas sa
    Simbahan ng Barasoin sa Malolos, Bulacan. Hindi
    ito kinilala ng mga Amerikano.

Balik sa Timeline
9
Simula ng Digmaan
  • Nagsilbing mitsa ng digmaan ang insidente sa
    Sociego St., Sta. Mesa, Manila noong Pebrero 4,
    1899. Binaril at napatay ni Pvt. William Grayson
    ang isang kawal na Pilipino. Nang sumunod na
    araw, ipinahayag ni Gen. Arthur MacArthur ang
    Digmaang Pilipino-Amerikano.
  • Sunod-sunod na linusob ng mga puwersang Amerikano
    ang mga bayan sa Pilipinas.

Balik sa Timeline
10
Pagkatalo ng mga puwersang Pilipino
11
Pagkatalo ng mga puwersang Pilipino
  • Lumaganap ang labanan sa ibat ibang panig ng
    bansa. Pinumunuan ni Hen. Antonio Luna ang
    paglusob sa Maynila ngunit tinalo sila ng mga
    Amerikano. Bumagsak sa kamay ng mga Amerikano ang
    Malolos noong Marso 31, 1899. Inilipat ni
    Aguinaldo ang kabisera sa San Fernando, Pampanga.
    Sunod-sunod din na sumuko o nahuli ng mga
    Amerikano ang mga pinuno ng pwersang Pilipino.

Balik sa Timeline
12
Pagkahuli kay Hen. Aguinaldo
  • Pinamunuan ni Hen. Frederick Funston ang planong
    pagbitag kay Hen. Aguinaldo. Sa tulong ng mga
    kawal na taga-Macabebe (Macabebe Scouts),
    matagumpay na nakapasok sa kampo ng mga Pilipino
    sa Palanan, Isabela at dito nahuli si Hen.
    Aguinaldo. Matapos madakip, dinala siya sa
    Maynila at dito pinanumpa ng katapatan sa
    pamahalaan ng Amerika.

Balik sa Timeline
13
Pagwawakas ng Digmaan
  • Nagwakas ang Unang Republika sa pagkakadakip kay
    Aguinaldo ngunit ipinagpatuloy parin ng mga
    nalalabing pinuno ang laban para sa kalayaan.
    Huling sumuko sa mga Amerikano si Hen. Simeon Ola
    noong Setyembre 25, 1903 sa Guinobatan, Albay.
    Dito pormal na nagwakas ang digmaan laban sa mga
    Amerikano.

Balik sa Timeline
14
TAKDA
  • Ipaliwanag ang kahulugan ng Benevolent
    Assimilation ni Pang. McKinley.
  • Magsaliksik kung paano hinuli si Hen. Emilio
    Aguinaldo at magbigay ng reaksyon tungkol dito.
  • Alamin ang kabayanihan na ginawa ng mga
    sumusunod
  • Antonio Luna
  • Macario Sakay
  • Gregorio del Pilar

15
To download this file, log-on to
  • http//www.slideshare.net/ArnelSSI/Digmaang
    Pilipino-Amerikano

Images from www.freewebs.com/philippineamericanwa
r
Write a Comment
User Comments (0)
About PowerShow.com