Ang Kilusang Propaganda - PowerPoint PPT Presentation

About This Presentation
Title:

Ang Kilusang Propaganda

Description:

... -isinulat niya ang dalawang nobela na nakatulong sa layunin ng Propaganda, Ang Noli Me Tangere (Berlin, 1887) at El Filibusterismo (Ghent, 1891) ... – PowerPoint PPT presentation

Number of Views:5378
Avg rating:3.0/5.0
Slides: 12
Provided by: MadridF
Category:

less

Transcript and Presenter's Notes

Title: Ang Kilusang Propaganda


1
Ang Kilusang Propaganda
2
  • 1. Ang pagkapantay-pantay ng mga Kastila at mga
    Pilipino.
  • 2. Ang kilalanin ang Pilipinas bilang isang
    lalawigan ng
  • Espanya.
  • 3. Pagkakaroon ng Pilipinong kinatawan sa Spanish
  • Cortes.
  • 4. Ang sekularisasyon ng mga parokya.
  • 5. Kalayaan sa pananalita at pamamahayag.

3
  • Ang La Solidaridad
  • Ang La Solidaridad ang opisyal na pahayagan ng
    Kilusang Propaganda. Inilunsad ito noong 1889 at
    unang lumabas noong ika-15 ng Pebrero 1889.
    Naglalaman ito ng mga isinulat ng mga
    propagandista o repormista sa pamamatnugot ni
    Graciano Lopez Jaena hanggang Disyembre 15, 1889.
  • Ang sumunod na patnugot nito ay si Marcelo H. del
    Pilar na tumagal hanggang Nobyembre 15,1895.
    Ipinahayag ng maraming Pilipino ang pagmamalabis
    ng mga Espanyol at Prayle sa Pilipinas sa
    kanilang mga lathalain sa pahayagan. At upang
    itago ang kanilang tunay na katauhan ay
    nagsigamit ng ibat- ibang pangalan habang
    ginagawa ang pagtuligsa sa kanila.

4
Kilala dito sina Dr. Jose Rizal
- Laong-Laan at Dimas alang
Mariano Ponce Kalipulako, Tikbalang at Naning
Marcelo H. del Pilar Plaridel
Antonio Luna Taga-ilog
Jose Ma. Panganiban Jomapa Sa mga
kilalang repormista sa Espanya ay nangunguna sina
Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar at
Jose Rizal.
5
  • Jose Rizal
  • -ipinanganak sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng
    Hunyo 1861.
  • -nakapag-aral sa Ateneo de Manila kung saan
    nagkamit siya ng mataas na karangalan hindi
    lamang sa kanyang pag-aaral kundi sa larangan din
    ng panitikan.
  • -nag-umpisa siyang mag-aral ng medisina sa
    Unibersidad ng Sto. Tomas at tinapos niya ang
    kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Madrid
  • -sa gulang na tatlong taon (3)- alam na alam na
    niya ang alpabeto

6
  • -limang taon (5)- nakapagsasalita na siya ng
    Kastila
  • -walong taon (8)- nakasulat na siya ng isang
    drama sa Tagalog
  • -labinlimang taon (15)- isa na siyang mahusay na
    makata, iskultor at pintor
  • -labingwalong (18)- nanalo siya ng unang
    gantimpala sa kanyang Sa Kabataang Pilipino (To
    the Filipino Youth)
  • -dalawamput apat (24)- iskolar na siya ng Europe
  • -bilang linggwistika nakapagsasalita siya ng 22
    wika

7
  • -nagtapos ng medisina sa Espanya, at
    nagpakadalubhasa siya sa mga unibersidad ng
    Berlin, Leipzig at Heidelberg sa Alemanya
  • -isa siyang henyo sa panitikan, ang pinakamahusay
    niyang tula ay ang Ultimao Adios ( Last Farewell)
  • -isinulat niya ang dalawang nobela na nakatulong
    sa layunin ng Propaganda, Ang Noli Me Tangere
    (Berlin, 1887) at El Filibusterismo (Ghent, 1891)
  • -Disyembre 30, 1896-binaril siya sa Bagumbayan

8
  • Graciano Lopez Jaena
  • -pangunahing orador o mananalumpati ng Propaganda
  • -isinilang siya sa Jaro, Iloilo noong ika-17 ng
    Disyembre, 1856
  • -nakapag-aral siya sa Seminaryo ng Jaro at
    tinangka niyang mag-aral ng medisina sa
    Unibersidad ng Sto. Tomas subalit siyay
    tinanggihan sa dahilang hindi tapos ng Bachelor
    of Arts
  • -nagtrabaho siya sa Ospital ng San Juan de Dios
    at sa ganitong paraan nakapagtamo siya ng
    kaalaman sa medisina

9
  • -sa kanyang talumpati, buong tapang niyang
    tinuligsa ang mga kapangyarihan ng mga prayle sa
    Pilipinas
  • -isinulat niya ang Fray Botod na naglalahad sa
    immoralidad, pagmamalabis at kamangmangan ng
    isang prayleng nagngangalang Botod
  • -nag-aral siya ng medisina sa Unibersidad ng
    Valencia
  • -itinatag niya ang La Solidaridad noong 1889 sa
    Barcelona, Spain
  • -naglathala siya ng mga babasahin na humihingi ng
    mga pagbabago sa Pilipinas
  • -bagamat nagdaranas ng kahirapan at sakit,
    patuloy niyang itinaguyod ang kapakanan ng
    kanyang bayan
  • -namatay siya sa sakit na tuberculosis noong
    ika-20 ng Enero 1896

10
  • Marcelo H. del Pilar
  • -isang matapang na abogado at manunulat at
    itinuturing na pinakdakilang peryodista ng
    Propaganda
  • -isinilang sa Cupang, Bulacan noong ika-30 ng
    Agosto, 1850
  • -nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Sto.
    Tomas
  • -itinatag niya ang Diaryong Tagalog, unang
    pahayagan sa wikang Tagalog
  • -dito niya ibinunyag at hayagang binatikos ang
    pang-aabuso at katiwalaan ng mga pinunong
    kolonyal lalo na ang mga prayle na sanhi ng mga
    paghihirap ng mga Pilipino.

11
  • -isinulat niya ang Caiigat Cayo, sa pangalang
    Dolores Manapat bilang pagtatanggol sa
    panunuligsa ng mga prayle laban sa Noli.
  • -isinulat niya ang Dasalan at Tuksuhan, Amain
    Namin, at Sampung Utos ng mga Prayle.
  • -humalili siyang patnugot ng La Solidaridad
  • -itinaguyod niya ang gawain ng kilusan sa
    pamamagitan ng kanyang mga lathalain at editorial
  • -namatay siya sa Barcelona noong ika-4 ng Hulyo,
    1896
  •  
Write a Comment
User Comments (0)
About PowerShow.com