Republika%20ng%20Biak-na-Bato - PowerPoint PPT Presentation

About This Presentation
Title:

Republika%20ng%20Biak-na-Bato

Description:

Iglesia Filipina Independiente Ito ay nabuo para: -magkaroon ng pambansang simbahan -maalis ang impluwensya ng mga prayle Paano ito nagsimula? - Nagsulat si ... – PowerPoint PPT presentation

Number of Views:1500
Avg rating:3.0/5.0
Slides: 19
Provided by: JHu109
Category:

less

Transcript and Presenter's Notes

Title: Republika%20ng%20Biak-na-Bato


1
Republika ng Biak-na-Bato
  • -Sinikap ni Aguinaldo na magtatag ng bagong
    pamahalaan na kapalit ng itinatag sa Tejeros.
  • -ika-1 ng Nobyembre 1897, pinagtibay ang
    Konstitusyon ng Biak-na-Bato na isinulat nina
    Felix Ferrer at Isabelo Artacho.
  • -Kinabukasan ay pinasinayaan ang Republika ng
    Biak-na-Bato.

2
Kasunduan sa Biak-na-Bato
  • Gobernador Heneral Primo de Rivera-nagpatawag ng
    negosasyon sa pangkat ni Aguinaldo upang maibsan
    ang tumitinding hidwaan.
  • Pedro Paterno-naging tagapamagitan sa Kasunduan
    sa Biak-na-Bato
  • Disyembre 15, 1897- nilagdaan ang kasunduan

3
  • Nilalaman ng kasunduan
  • Pagpapatapon kay Aguinaldo at kanyang mga
    tagasunod sa labas ng bansa.
  • Pagbabayad ng pamahalaang Espanyol ng Php 800,000
    sa mga rebolusyonaryo na isasagawa sa pamamagitan
    ng mga sumususnod na paraan

4
  • Php 400,000 sa pag-alis ni Aguinaldo sa
    Biak-na-Bato
  • Php 200,000 kapag hihigit sa 700 ang bilang ng
    armas na isusuko ng mga rebolusyonaryo
  • Php 200,000 kapag inawit ang Te Deum
  • 3. Pagbabayad ng halagang Php 900,000 sa
  • mga pamilyang Pilipino na naging biktima
  • ng labanan.

5
Pagkabigo ng Kasunduan
  • Hindi nagkaroon ng kapayapaan pagkatapos
    malagdaan ang Kasunduan sa Biak-na-Bato dahil
    hindi tumupad ang mga Pilipino at Espanyol sa
    kondisyon ng Kasunduan.
  • Ang Hong Kong Junta
  • Sumanib si Aguinaldo sa Hong Kong Junta (Komite
    Rebolusyonaryo na tumutulong para sa Himagsikang
    Pilipino)

6
  • Sa Hong Kong ipinanukala niya ang posibilidad na
    pagtutulungan ng Amerika at Pilipinas laban sa
    Spain.
  • Kapalit nito ay kikilalanin ng Amerika ang
    kasarinlan ng ating bansa.
  • Nakipagkita si Aguinaldo kay Spencer Pratt,
    consul ng Amerika sa Singapore at hinimok siya na
    makipag-alyansa sa mga Amerikano laban sa mga
    Espanyol.
  • Ang pagpapasabog sa USS Maine sa Havana, Cuba na
    kagagawan umano ng Espanyol ang dahilan ng
    digmaang Amerika at Spain.

7
  • Kay Komodor George Dewey sasabay si Aguinaldo
    pabalik ng Pilipinas subalit hindi na niya ito
    inabutan sa Hong Kong.
  • Tinulungan ni Rounseville Wildman, consul ng Hong
    Kong si Aguinaldo para makabalik sa Pilipinas.
  • Sakay si Aguinaldo ng barkong McCulloch pauwing
    Pilipinas noong ika-19 ng Mayo 1898.
  • Sa pagbabalik ni Aguinaldo sa Pilipinas,
    nakipagkita siya kay Komodor George Dewey na
    nagsabing walang intensyon ang Amerika na sakupin
    ang Pilipinas.

8
  • Noong Mayo 24, 1898- itinatag ni Aguinaldo ang
    Pamahalaang Diktaturyal na pumalit sa Republika
    ng Biak-na-Bato.
  • Hunyo 12, 1898-ipinahayag ang kalayaan ng
    Pilipinas sa bahay ni Aguinaldo sa Kawit, Cavite.
  • Isinagawa ito upang lumakas ang loob ng mga
    Pilipino sa pakikipaglaban sa mga Espanyol.
  • Hunyo 23, 1898- itinatag naman ni Aguinaldo ang
    Pamahalaang Rebolusyonaryo.

9
Ang Huwad na Labanan sa Maynila
  • Nagkaroon ng pag-uusap sa pagitan nina Heneral
    Greene, Admiral Dewey at Gobernador Heneral
    Fermin Jaudenes ng Spain na magkakaroon ng huwad
    na labanan sa pagitan ng Amerikano at mga
    Espanyol.
  • Susuko ang mga Espanyol sa mga Amerikano at hindi
    papayagang makapasok ang mga Pilipino sa loob ng
    Intramuros.
  • Nangyari ang huwad na labanan sa Maynila noong
    Agosto 23, 1898.

10
  • Pagtatatag ng Republika ng Pilipinas
  • -Agosto 22, 1898 - inilipat ni Aguinaldo ang
    punong lungsod ng pamahalaan sa Malolos.
  • -nagkaroon ng halalan sa Kongreso ng Pilipinas na
    pinasinayaan noong ika-15 ng Setyembre 1898.
  • -nagsimulang bumuo ng isang konstitusyon nang
    sumunod na buwan.

11
  • -iprinoklama ito noong ika-21 ng Enero 1899.
  • Ano ang kahalagahan ng Konstitusyon ng Malolos?
  • -ang Konstitusyon sa Malolos ay ang unang
    mahalagang dokumento na binuo ng kinatawan ng mga
    Pilipino.
  • -ika-23 ng Enero, 1899- pinasinayaan ang
    Republika ng Pilipinas at si Hen. Emilio
    Aguinaldo ang naging unang pangulo.

12
  • Bakit mahalaga ang pagtatatag ng Pilipinas bilang
    republika?
  • -ito ang pinakaunang Republika sa Asya at naging
    inspirasyon sa ibang bansa na makawala sa
    pananakop ng mga kanluranin.
  • Bakit itinatag ang Iglesia Filipina
    Independiente?

13
Iglesia Filipina Independiente
  • Ito ay nabuo para
  • -magkaroon ng pambansang simbahan
  • -maalis ang impluwensya ng mga
  • prayle
  • Paano ito nagsimula?
  • - Nagsulat si Apolinario Mabini ng manipesto na
    dapat magtatag pambansang simbahan.

14
  • Ano ang nangyari sa pulong?
  • -Binuo nila ang Konstitusyon ng
  • Simbahang Pilipino.
  • Bawal ang mga obispong dayuhan.
  • Tinanggal nila ang kontrol ng mga simbahan sa
    pamamahala ng Espanyol.

15
  • Ikalawang Yugto ng Himagsikan
  • Ang Digmaang Pilipino-Amerikano
  • -nagsimulang magkatuwang ang mga Pilipino at mga
    Amerikano laban sa mga Espanyol.
  • -kailangan ng mga Amerikano ang mga Pilipino
    dahil wala silang hukbong panlupa na lalaban sa
    mga Espanyol.
  • -Disyembre 10, 1898- inilipat ng Spain ang
  • Pilipinas sa kapangyarihan ng Amerika sa ilalim
  • ng Kasunduan sa Paris.
  • .

16
  • Kasunduan sa Paris
  • Kinikilala ng Spain ang Kasarinlan ng Cuba.
  • Inililipat din ng Spain ang Pilipinas, Puerto
    Rico at Guam sa Amerika.
  • Binayaran ng Amerika ang Spain ng halagang
    20,000,000.

17
  • -Disyembre 21, 1898- ipinalabas ni Pangulong
    McKinley ang kanyang proklamasyong Benevolent
    Assimilation
  • Ano ang Benevolent Assimilation Proclamation?
  • -sa pamamagitan ng proklamasyong ito, paiiralin
    ng Amerika ang kapangyarihan nito sa Pilipinas.
  • -inutusan ni Pangulong McKinley ang kanyang mga
    heneral na sakupin ang ibang bahagi ng bansa

18
  • Paano nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano?
  • -sumiklab ito noong Pebrero 4, 1899 nang
    paputukan ni Private Willie Grayson, isang
    sundalong Amerikano, ang dalawang Pilipino sa
    paligid ng Blockhouse No. 7 sa Maynila at gumanti
    ng putok ang mga Pilipinong sundalo.
  • -kinabukasan, inutusan ni Heneral Elwell Otis na
    simulan ng mga Amerikano ang opensiba laban sa
    mga Pilipino.
  • -humiling ng tigil-putukan si Aguinaldo upang
    magkaroon ng imbestigasyon at sinabing hindi niya
    inutusan ang mga sundalong magpaputok, subalit
    sinabi ni Heneral Otis na, ngayong nagsimula na
    ang labanan, dapat humantong ito sa katapusan.
Write a Comment
User Comments (0)
About PowerShow.com