Depinisyon : Epiko - PowerPoint PPT Presentation

About This Presentation
Title:

Depinisyon : Epiko

Description:

Depinisyon : Epiko Ang mga epikong Pilipino ay: mga naratibong pinanatiling mahaba base sa sinasambit o inuusal na tradisyon umiikot sa mga pangyayaring mahiwaga – PowerPoint PPT presentation

Number of Views:528
Avg rating:3.0/5.0
Slides: 11
Provided by: gay72
Category:

less

Transcript and Presenter's Notes

Title: Depinisyon : Epiko


1
Depinisyon Epiko
  • Ang mga epikong Pilipino ay
  • mga naratibong pinanatiling mahaba
  • base sa sinasambit o inuusal na tradisyon
  • umiikot sa mga pangyayaring mahiwaga
  • nasa anyo ng berso o talata na inaawit
  • may tiyak na seryosong layunin
  • kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at
    mabubuting aral ng mga mamamayan
  • Ang mga epiko pilipino ay mas nararapat na
    tawaging ethno-epic dahil sa may mga epiko na
    kumakatawan sa bawat pangkat etniko at
    tumatalakay sa mga bayani ng bawat rehiyon at
    tribo.

2
Bilang at Distribusyon
  • Umaabot sa 28 ang bilang ng mga epiko na kilala
    sa Pilipinas.
  • Karamihan sa mga natitirang epiko ay natagpuan sa
    grupo ng mga tao na hindi pa nagagalaw ng
    makabagong proseso ng pagpapaunlad ng kultura
    tulad ng mga katutubo at etnikong grupo sa
    Mountain Province at sa Mindanao, sa grupo ng mga
    Muslim. Ang mangilan-ngilan ay makikita sa mga
    mamamayang Kristiyano.

3
Haba
  • Ang haba ng mga epiko ay mula sa 1000 hanggang
    55000 na linya

4
.  Rendisyon
  • Tulad ng ibang mga alamat, ang mga epiko ay
    inihahayag ng pasalita patula o pakanta (sa
    iba't ibang mga estilo) mula sa memorya, mayroon
    o walang saliw ng ilang mga instrumentong
    pangmusika. Ito rin ay maaaring gawin nang
    nag-iisa o kaya naman ay grupo ng mga tao na
    katulad ng isang chorus, na tumatakbo ng maraming
    araw at oras.

5
Katangiang Pampanitikan
  • Ang ilang katangian ng ibang epiko ay
  • ang paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak
    na tao
  • mga inuulit na salita o parirala
  • mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye
    ng kanta
  • kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha
    sa pang-araw-araw na buhay at kalikasan (halaman,
    hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp).
  • Ang mga epiko ay nasa anyo ng berso o talata
    ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat
    rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluranin
    na epiko.
  • kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang
    mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang,
    anting-anting, at ang kanyang paghahanap sa
    kanyang minamahal o magulang ito rin ay maaaring
    tungkol sa panliligaw o pag-aasawa.  

6
  • Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa
    sariling tahanan.
  • Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng
    pangunahing tauhan.
  • Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang
    minamahal.
  • Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan.
  • Patuloy na pakikidigma ng bayani.
  • Pamamagitan ng isang bathala para matigil ang
    labanan.
  • Ang pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban ay
    magkadugo.
  • Pagkamatay ng bayani.
  • Pagkabuhay na muli ng bayani.
  • Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan.
  • Pag-aasawa ng bayani.

7
Kahalagahan sa kultura
  • Ano ang ipinapakita ng epiko ng sinaunang
    kultura?
  • Kung magpopokus sa tatlong punto ang paulit-ulit
    na paksa at tema, ang pagsasalarawan ng mga
    lalaking bayani, at ang mga pangunahing babaeng
    karakter sa istorya ating makikita kung paano
    naipapakita ng epiko ang kultura ng isang grupo
    ng tao.

8
Ang Paulit-ulit na Paksa o Tema
  • katapangan at pakikipagsapalaran ng bayani
  • mga supernatural na gawa ng bayani
  • pag-ibig at romansa
  • panliligaw pag-aasawa pagbubuntis mga yugto
    ng buhay
  • kamatayan at pagkabuhay
  • pakikipaglaban at kagitingan ng bayani
  • kayamanan, kaharian at iba't ibang mga kasiyahan
    o piging
  • mga ritwal at kaugalian
  • ugnayan ng magkakapamilya

9
Ang Lalaking Bayani
  • Sa pagbabasa ng mga epiko, agad na makikita ang
    mga katangian ng isang bayani. Karamihan sa
    kanyang mga katangian ay maiuuri sa alin man sa
    sumusunod pisikal, sosyal, at supernatural.
    Maaari ring isama ang kanyang intelektwal at
    moral na katangian.

10
Ang Pangunahing Babaeng Karakter
  • Ang pangunahing babaeng karakter ay kadalasang
    ang babaeng iniibig ng bayani o maaari rin namang
    tinutukoy dito ang kanyang ina.
Write a Comment
User Comments (0)
About PowerShow.com