(Panginoong Jesus, lubos - PowerPoint PPT Presentation

1 / 13
About This Presentation
Title:

(Panginoong Jesus, lubos

Description:

NI St. Louie Marie De Montfort NI MARIA (Panginoong Jesus, lubos naming itinatalaga sa Iyo sa pamamagitan ni Maria, ang aming sarili, aming bansa, Russia, at ang ... – PowerPoint PPT presentation

Number of Views:244
Avg rating:3.0/5.0
Slides: 14
Provided by: LouEl4
Category:

less

Transcript and Presenter's Notes

Title: (Panginoong Jesus, lubos


1
LUBOS NA PAGTATALAGA NG SARILI KAY HESUS SA
PAMAMAGITAN
NI St. Louie Marie De Montfort
NI MARIA
(Panginoong Jesus, lubos naming itinatalaga sa
Iyo sa pamamagitan ni Maria, ang aming sarili,
aming bansa, Russia, at ang buong mundo.)
2
O Walang Hanggan at Nagkatawan-taong
Karunungan, Hesus na
pinaka-iibig at pinakapupuri, tunay
na Diyos at tunay na Tao, bugtong na Anak ng
Walang Hanggang Ama at ni Maria laging Birhen,
pinakasasamba Kita, nananahan sa kaluwalhatian ng
Iyong Ama magpakailanman, at sa walang dungis na
sinapupunan
3
ni Maria, Inang karapat-dapat sa Iyong
pagkakatawang-tao. Pinasasalamatan Kita sa
iyong buong-pusong pagtanggap sa kondisyon ng
isang alipin upang sa pamamagitan nito ay
mapalaya ako sa pagkaalipin sa kasamaan. Pinupuri
Kita sapagkat pinili mong sundin si Maria, iyong
Ina, sa lahat ng bagay, upang sa pamamagitan
4
din niya, akoy maging tapat na alipin ng
pag-ibig mo. Subalit inaamin kong hindi ako
naging tapat sa mga panata at pangako ko noong
ako ay binyagan. Hindi ko natupad ang aking mga
tungkulin, at hindi ako karapat-dapat tawaging
anak Mo, o maging alipin Mo. Sapagkat wala nang
nararapat sa akin kung hindi ang pagtakwil at
pagkamuhi mo, hindi na muli ako
5
lalapit ng mag- isa sa Banal mong Harapan. Kaya
ngayon akoy lumalapit sa pamamagitan ng iyong
mahabaging Ina. Sa tulong niya, nais kong
makamtan mula sa Iyo ang pagsisisi at kapatawaran
ng aking mga kasalanan, at ang Karunungang nais
kong manahan sa akin. Akoy dumudulog sa iyo,
Mariang Kalinis-linisan, buhay na
6
Tabernakulo ng Diyos, niloob ng Karunungang
Walang Hanggan na papurihan ka ng mga tao ganun
din ng mga anghel. Binabati kita bilang Reyna ng
langit at lupa, sapagkat minarapat ng Diyos na
lahat ng nasasakupan Niya ay mapasailalim sa
pangangalaga mo. Nagsusumamo ako sa iyo, laging
saklolo ng mga makasalanan, ng may pananalig sa
iyong mahabaging puso na hindi pa
7
binigo ang sinuman. Naway ipag-kaloob mo sa akin
ang minimithing Karunungan at kaugnay ng
petisyong ito, tanggapin mo nawa ang mga pangako
ko at pag-aalay ng sarili sa kabila ng aking mga
kakulangan. Ako, (pangalan), hindi tapat at
makasalanan, ay pinapanibago at pinagtitibay
ngayon, sa
8
pamamagitan mo, ang aking mga pangako noong ako
ay binyagan. Itinatakwil ko si Satanas
magpa-kailanman, ang mga pangako niyang walang
kabuluhan, at mga masasamang adhikain, at
ibinibigay ko ang buong sarili kay Jesu-Kristo,
ang Karunungang Nagkatawang-tao, upang katulad
Niya ay pasanin ko ang sariling krus habang
nabubuhay, at higit na maging tapat kaysa noon.

9
Sa araw na ito, saksi ang sangkalangitan, ay
hinihirang kita, Maria, bilang aking Ina at
Reyna. Isinusuko at itinatalaga ko sa iyo ang
aking sarili, katawan, at kaluluwa, bilang alipin
mo, kasama ang lahat ng pag-aari ko, ispiritwal
man o materyal, kahit ang halaga ng lahat ng
aking mabubuting gawa, noon, ngayon, at
magpakai- lanman. Lubos kong Ipinauubaya sa iyo
ang aking sarili at lahat ng
10
pag-aari ko, at ang karapatang gawin sa akin
anumang nais mo, para sa lalong ikakaluwalhati ng
Diyos ngayon at magpasawalang-hanggan. Tanggapin
mo, mapagpalang Birhen, ang munting handog ng
pagkaalipin ko upang parangalan at tularan ang
buong-pusong pagsunod ni Hesus sa iyo bilang
Kanyang Ina. Sa pamamagitan nito, nais ko ring
magpasalamat sa Diyos sa mga
11
prebilehiyong pinagkaloob sa iyo ng Santisima
Trinidad. Ipinapahayag kong sa mga darating na
panahon ay paparangalan at susundin kita sa lahat
ng bagay bilang alipin ng pag-ibig. O Inang
kaibig-ibig, iharap mo ako sa iyong Anak bilang
Kanyang alipin ngayon at magpakailanman, upang
Siya na nagligtas sa akin sa pamamagitan mo ay
tanggapin ako.
12
Ina ng Awa, loobin mo sanang taglayin ko ang
tunay na Karunungan ng Diyos, at ibilang ako sa
mga minamahal, tinuturuan, ginagabayan, at
pinoprotektahan mo, bilang mga anak at
alipin. Tapat na Birhen gawin mong sa lahat ng
bagay ay akoy maging tapat ding taga-sunod at
alipin ni Hesus, ang Walang Hanggang
13
Karunungan, upang ako, sa pamamagitan ng tulong
at halimbawa mo, ay lubos na lumago at taglayin
ang kabanalan ni Hesus noong Siya ay nabuhay sa
mundo, ganun din
ang ganap na Kaluwalhatian Niya sa langit.
Amen.
Write a Comment
User Comments (0)
About PowerShow.com