Road%20Safety%20for%20Children - PowerPoint PPT Presentation

About This Presentation
Title:

Road%20Safety%20for%20Children

Description:

Gumamit ng karagdagang pag ... ibig sabihin maaaring ... wishes to acknowledge the following for their invaluable efforts in the preparation of this module Safe Kids ... – PowerPoint PPT presentation

Number of Views:271
Avg rating:3.0/5.0
Slides: 31
Provided by: Min1215
Category:

less

Transcript and Presenter's Notes

Title: Road%20Safety%20for%20Children


1
Road Safety for Children
2
Walkability Checks
PAGLALAKAD
  • Habang naglalakad, bigyang pansin ang mga
    sumusunod
  • Walang bangketa, lakaran o shoulder
  • Putol-putol na bangketa
  • Basag-basag na semento o bangketa
  • May mga bara ang bangketa
  • Napakakitid ng bangketa para sa paglalakad
  • Maraming tao sa bangketa
  • Napaka-traffic

3
Walkability Checks
PAGTATAWID
  • Habang tumatawid, tignan kung nandiyan ang mga
    sumusunod na problema
  • Walang traffic signals
  • Walang nakatakda o nakapinturang tawiran
  • Ang traffic light ay di nagbibigay ng sapat na
    oras para tumawid
  • May mga sagabal kayat di nakikita ang traffic
  • Sagabal ang mga sasakyan sa tawiran
  • Kapag sa may eskwela, walang tanod o katulong
    tumawid sa oras ng pagpasok at paglabas

4

Walkability Checks
  • Habang naglalakad, tumingin sa paligid. Nakikita
    mo ba ang mga sumusunod na problema?
  • Madumi, maraming basura
  • Madilim, di sapat ang ilaw
  • Kahina-hinalang mga gawain sa paligid
  • Kailangan ng mas maraming damo, mga puno, mga
    bulaklak, atbp
  • Nakakaramdam na di ligtas ang kapaligiran habang
    naglalakad.

5

Pre-test
  • Kapag walang bangketa, saan ka ligtas maglakad?
  • Anong direksyon titingin bago tumawid?
  • Kapag walang takdang tawiran, saan tatawid?

6

Pre-test
  • Ano ang hugis ng STOP na karatula?
  • Anong ang bagong background color ng mga karatula
    para sa mga pedestrians ?
  • Ano ang takdang lugar na sumasaklaw sa
    kinatatayuan ng paaralan kung saan dapat bumagal
    ang mga sasakyan at nagbababa ng maraming bata?

7
Aralin
TRAPIKO Mga Terminolohiya
  • TRAPIKO - ang pagdaan o paggalaw ng mga tao o/ at
    sasakyan sa daan.
  • KARATULANG PANTRAPIKO ang mga tanda o sagisag
    na ginagamit sa daan, upang maging ligtas at
    maayos ang pagdaloy ng trapiko.
  • PEDESTRIANS - mga taong tumatawid o naglalakad sa
    kalsada.

8
Aralin
TRAPIKO Mga Terminolohiya
  • PEDESTRIAN LANE - takdang tawiran ng mga taong
    nakamarka sa kalye upang maging maayos ang daloy
    ng trapiko.
  • ILAW TRAPIKO - mga ilaw sa kalye na naghuhudyat
    ng galaw ng mga tao at sasakyan habang nasa daan.
  • STOP - karatula o babala na naghuhudyat ng
    paghinto o pagtigil

9
Aralin
TRAPIKO Mga Terminolohiya
  • SPEED LIMIT pinakamabilis na maaarng itakbo ng
    mga sasakyan sa daan.
  • SCHOOL ZONE takdang lugar na sumasaklaw sa
    kinatatayuan ng paaralan kung saan dapat bumagal
    ang mga sasakyan. Nagbababala na maraming bata
    dito.
  • BANGKETA takdang lakaran sa gilid ng kalye

10
Aralin
Ligtas na Pagtawid
Pabuyang Pangkaligtasan
  • Gumamit ng bangketa.
  • Maglakad na pasalubong sa mga sasakyan kapag
    walang bangketa.
  • Gumamit ng mga traffic at pedestrian signs kapag
    tumatawid.

11
Aralin
Ligtas na Pagtawid
Pabuyang Pangkaligtasan
  • Umiwas sa paglalakad o pagbibisikleta sa gabi.
  • Hwag maglalaro sa mga driveway, kalye, parking
    lot o mga lugar na di nakabakod o masyadong
    malapit sa daan.
  • Kilalanin ang senyal ng mga sasakyang gagalaw
    (mga ilaw sa likod, usok sa tambutso, tunog ng
    makina, pag-ikot ng gulong).

12
Aralin
Ligtas na Pagtawid
Pabuyang Pangkaligtasan
  • Gumamit ng karagdagang pag-iingat kapag tumatawid
    sa mga daang malalapad at mabibilis ang takbo ng
    mga sasakyang dumadaan.
  • Himukin ang mga batang maglakad ng kumpol-kumpol.

13
Aralin
Mga Ilaw at Senyales
Mga Ilaw Pantrapiko
  • Pulang Ilaw pinahihinto ang mga sasakyan para
    patawirin ang kabilang dadaan, sasakyan man at
    tao. Ang mga taong tumatawid ay may right of
    way.
  • Patay-sinding kulay pulang ilaw - katulad ito ng
    stop sign, ibig sabihin maaaring tumawid ang mga
    tao ng may pag-iingat. Nangangahulugan din itong
    delikado ang interseksyon.

14
Aralin
Mga Ilaw at Senyales
Mga Ilaw Pantrapiko
  • Dilaw - Humanda ka na, sapagkat malapit nang
    sumindi ang ilaw na pula. Ang dilaw na ilaw ay
    nagbibigay ng pagkakataong mahinto ng maayos ang
    isang direksiyon ng trapiko.
  • Patay - sinding dilaw na ilaw- ibig sabihin ang
    mga sasakyan ay maaaring umabante ng may
    pag-iingat.

15
Aralin
Mga Ilaw at Senyales
Mga Ilaw Pantrapiko
  • Berdeng Ilaw - ito ay signal upang patakbuhin
    nang tuloy-tuloy ang mga sasakyan kung walang
    sagabal sa daan. Ang mga pedestrians ay
    kailangang huminto lamang sa kanilang pwesto.
  • Berdeng Arrow - ay naghuhudyat na maaaring
    pumasok ang sasakyan sa interseksyon ng pakanan o
    pakaliwa (depende sa turo ng arrow). Dapat
    magbigay daan ang mga motorista sa mga naglalakad.

16
Aralin
Mga Karatula sa Daan
Hugis
  • Ang OCTAGON
  • ay nakareserba para sa STOP sign lamang.

17
Aralin
Mga Karatula sa Daan
Hugis
  • EQUILATERAL TRIANGLE
  • na nakaturong pababa ay nakareserba sa GIVE WAY
  • o YIELD lamang.

18
Aralin
Mga Karatula sa Daan
Hugis
  • BILOG - kadalasang ginagamit upang ihudyat ang
    mga batas pantrapiko na dapat sundin.
  • Ang paglabag ng mga ito ay kinikilalang
    kasalanan na may kalakip na parusa sa batas.

19
Aralin
Mga Karatula sa Daan
Kulay
  • ITIM
  • ginagamit na panletra sa mga karatulang puti,
    dilaw, orange, flourescent orange, flourescent
    yellow-green ang likod

20
Aralin
Mga Karatula sa Daan
Kulay
  • DILAW
  • ginagamit bilang pang-background ng mga
    karatulang nagsasaad na may nagtatrabaho sa
    daanan.

21
Aralin
Mga Karatula sa Daan
Kulay
  • FLOURESCENT YELLOW GREEN
  • ginagamit bilang background sa mga karatulang
    angkop sa mga naglalakad o pedestrians, mga lugar
    ng mga paaralan
  • At sa mga karatulang nagsasaad na may
    nagtatrabaho sa daan upang magbigay ng
    karagdagang babala at paggabay sa mga nagmamaneho
  • FLOURESCENT YELLOW GREEN
  • ginagamit bilang background sa mga karatulang
    angkop sa mga naglalakad o pedestrians, mga lugar
    ng mga paaralan
  • At sa mga karatulang nagsasaad na may
    nagtatrabaho sa daan upang magbigay ng
    karagdagang babala at paggabay sa mga nagmamaneho

22
Aralin
Senyales ng Pulis
Bilisan ang pagtawid
Tuloy tuloy ang takbo
Hinto
23
Aralin
Senyales ng Pulis
Kaliwa
Kanan
24
Aralin
Senyales ng Tsuper
Kaliwa
Kanan
Hinto
25
Aralin
Senyales para sa Tumatawid
  • Tumawid Huwag Tatawid

26
Aralin
Paglalakad sa Di-Ligtas na Kalagayan
  • Kapag Madilim
  • Kapag Umuulan
  • Kapag Kumukurba o Zigzag
  • Mga halimbawa ng aksidente

27
Aralin
Mga Gawaing Pagsasanib
  • Malabong Paningin
  • Pumreno Tayo
  • Sa Paningin ng Tsuper

28
Aralin
Mga Katanungan sa Bata
  • Ano ang 3 kulay sa ilaw trapiko at anu-ano ang
    ibig sabihin ng mga nito?
  • Magbigay ng 6 na kasamang bansa sa SKW.
  • Magbigay ng dalawang halimbawa ng signs sa daan .
  • Magbigay ng paraan upang maiwasan ang aksidente
    sa daan.

29

Post test
  • Ikaw ba ay nakaranas ng aksidente sa daan
  • a. Oo b. Hindi
  • Kung Oo, anong sasakyan
  • a. bisikleta
  • b. motorsiklo
  • c. tricycle
  • d. jeepney
  • e. kotse
  • f. van
  • g. truck
  • h. iba pa. Ano ito _______

30
  • The Philippine College of Physicians wishes to
    acknowledge the following for their invaluable
    efforts in the preparation of this module
  • Safe Kids Philippines
Write a Comment
User Comments (0)
About PowerShow.com