Title: Ang Kurikulum sa Filipino: Batayan ng Pagtuturo sa Sekondarya
1Ang Kurikulum sa Filipino Batayan ng Pagtuturo
sa Sekondarya
Lydia B. Liwanag, Ph. D.
2Dalawa ang pangunahing dahilan kung bakit
itinuturo ang Filipino sa ating mga paaralang
pambansa.
3Ang mga dahilang ito ay nakatadhana sa umiiral na
patakarang pangwika na ipinatutupad kaugnay ng
gagamiting wikang panturo sa mga paaralan.
4- Una, ituturo ito bilang isang sabjek o aralin na
bahagi ng kurikulum sa elementarya at sekundarya. - Ikalawa, gagamitin ang Filipino bilang wikang
panturo sa mga tiyak na sabjek o aralin na
iniatas sa Patakarang Bilinggwal noong 1974 at
1986.
5- Malinaw ang pagkakaiba ng dalawang layunin
subalit magkatuwang ng kaganapan sa pagkatuto. - Kinakailangang matutuhan ang Filipino bilang
isang wikang may sariling kakanyahan upang
magamit ito sa pagkatuto ng iba pang sabjek na
itinuturo sa Filipino at magiging tulay din ito
sa pagkatuto ng Ingles na pangalawang wika ng mga
mag-aaral.
6Ang Pagtuturo ng Wika Batay sa DepEd Kurikulum sa
Filipino
- Sa ipinatupad na kurikulum ng DepEd para sa
pagtuturo ng Filipino may mga pananaw at simulain
sa pagkatuto ng wika na binibigyang pansin. Una
ay ang pagkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng
mga mag-aaral, ng guro at ng teksto.
7- Mas mabisa ang pagkatuto kung nabibigyan ng
pagkakataon ang mga mag-aaral na mag-isip,
magpalitang-kuro at tumanggap ng ideya mula sa
iba. Ikalawa, ang pagkakaroon ng integrasyon sa
mga kasanayan at gawain sa pagtuturo ng wika.
Ang apat na makrong kasanayan sa wika ay nakikita
o naituturo sa isang kabuuan at hindi na
hiwa-hiwalay na tulad ng ginagawa dati (Whole
Language Approach and Integrative Approach).
8- Ikatlo, mahalaga ang konteksto sa pag-aaral ng
wika. Dito ginagamit ang nilalaman ng ibang
aralin o disiplina sa pagtuturo ng wika
(Content-based Instruction / Literature-based
Instruction).
9- Narito ang mga pagdulog at istratehiya sa
pagtuturo ng wika na angkop sa mga simulain ng
kurikulum sa Filipino.
10Komunikatibong Pagtuturo ng Wika (Communicative
Language Teaching)
- Inilarawan nina Richards at Rodgers (1986) ang
CLT bilang isang lapit (approach) sa halip na
isang pamaraan sa dahilang ito ay nagrerepresenta
sa isang pilosopiya ng pagtuturo na batay sa
komunikatibong gamit ng wika. Nagsimula ang lapit
na ito sa mga naisulat nang literatura na nauukol
sa konseptong nosyonal-functional at paglinang ng
kasanayang komunikatibo sa halip na sa gramar o
istruktura ng wika nakatuon ang pagtuturo.
11- Sa lapit na ito binibigyang pansin ang sumusunod
na pananaw o simulain - Pagbibigay diin sa gamit ng wika sa komunikasyon
sa halip na sa pag-aaral ng kayarian ng wika. - Pagkakaroon ng katatasan sa pagsasalita sa halip
na sa pagiging tama o wasto sa kayarian o gramar
ng wika.
12- Pagbibigay pansin sa mga gawaing aktwal na
ginagamit ang wika sa halip na pagsasanay o drill
sa mga bahagi ng wika. - Pagkakaroon ng kamalayan sa ibat ibang gamit o
tungkulin ng wika ayon sa pagkakataon sa halip na
pagbibigay pansin lamang sa wika.
13- Sa komunikatibong lapit sa pagtuturo ng wika,
nililinang ang mga kasanayang kognitibo tulad ng
kaalaman sa gramar ng wika, pagpili ng angkop na
bokabularyo at kasanayang sosyolinggwistika o
angkop na paggamit ng wika sa ibat ibang
sitwasyon. Gayundin nililinang ang makagawi o
behavioral na aspekto ng mga mag-aaral sa
paggamit ng wika sa aktwal na sitwasyon
(Littewood 1984).
14- May mga mungkahing hakbang na magagamit ng guro
sa pagtuturo ng wika na sinusunod ang mga
simulain ng pagdulog na komunikatibo. Narito ang
mga hakbang at ang paliwanag sa bawat isa.
15- Pagtiyak sa Layunin. Isa sa mga simulain ng
pagdulog na komunikatibo ay ang pagkakaroon ng
kamalayan ng mga mag-aaral sa ginagawa nila sa
klase at sa kahalagahan nito sa kanilang
pang-araw-araw na buhay. Magiging makahulugan ang
aralin kung malinaw sa bawat mag-aaral ang
layunin nito. Sa hakbang na ito ipinaaalam sa
mga mag-aaral kung ano ang nilalayon ng aralin.
Halimbawa Ang tatalakayin nating aralin ay
tungkol sa paghingi at pagbibigay ng payo.
Maaari ring ipakita ang mga larawan na nauukol sa
mga sitwasyon na nagpapakita ng mga gawaing
pangwika o kaya naman ay dayalogo na maglalaman
ng aktwal na nangyayari sa pag-uusap.
16- Paglalahad. Dito ipinakikita o ilalahad ang mga
kayarian ng wika na gagamitin sa isang sitwasyon
o konteksto na ang tuon ay sa gamit o tungkulin
ng wika. Pag-uusapan dito ang layunin ng
nag-uusap, mga paraan na ginagamit upang
magkaunawaan tulad ng kilos o mga pahiwatig na
salita.
17- Pagsasanay. Pagkatapos na matutuhan ng mga
mag-aaral ang mga kayarian na angkop gamitin sa
sitwasyon, bibigyang laya ang mga mag-aaral na
gamitin ang mga ito sa ibat ibang sitwasyon.
Dito, ibat ibang gawain ang ibibigay ng guro
tulad ng pag-uusap tungkol sa napapanahong paksa,
paglutas ng suliranin, mga role-play na
isasakilos o mga larong pangwika.
18- Paglilipat. Paggamit ng mga natutuhang kayarian
at kasanayan sa makatotohanang sitwasyon. Ang mga
mag-aaral ay iisip o pipili ng mga sitwasyon sa
tunay na buhay na ipinakikita ang aktwal na
paggamit ng wika. Halimbawa Pagdedebate tungkol
sa isang paksa, paghingi ng payo, at pagpapaturo
sa pagsasagawa ng isang bagay.
19Mga Gawaing Maaring Ihanda ng Guro ayon sa mga
Simulain ng Pagdulog na Komunikatibo
20- Paghahanda ng mga sitwasyon o cue cards, na
gagamitin sa role-play ng mga mag-aaral. - Halimbawa
- Paksa Pagsali sa club o samahan
- Gamit ng Wika Paghikayat, pagtanggi
- Kayariang gagamitin Pandiwa, pang-abay
- Sitwasyon Dalawang mag-aaral ang nag-ussap
- Isang mag-aaral ang nanghihikayat sa kaklase o
kaibigan na sumali sa club. Sasabihin niya ang
ang kahalagahan ng pagsali sa club, kung kailan
at saan sila magmimiting, at mga ginagawa. Ang
kaklase naman ay tatanggi at ipaliliwanag kung
bakit ayaw niyang sumali.
21- Sa pagbibigay ng mga sitwasyon na isasagawa ng
mga mag-aaral, maaring dalawang paraan ang gawin. - 1. Una, sitwasyon na may cue na ilalagay na cue
cards ng mga mag-aaral ang sasabihin nila. - Halimbawa
- Paksa Panonood ng sine
- Gamit ng wika Pagtatanong, pagpili,
paghikayat - Kayarian ng wika Mga pananong na
- Sino, Ano, Alin, Bakit
- Sitwasyon Magkamag-aral na nasa lugar ng mga
sinehan. Nais nilang manood ng sine. Bawat isa
ay may gustong panoorin. -
22- Mag-aaral A
- Itanong kung aling sine ang gustong panoorin.
- Magmumungkahi ng gustong panoorin.
- Hihikayatin ang kausap na gustong panoorin.
- Itatanong kung anong pagkain ang dadalhin sa
loob ng sinehan. - Sasang-ayon sa kausap.
23- Mag-aaral B
- Sasabihing hindi pa alam kung ano.
- Hindi sasayong-ayon sa sinabi ng kausap at
sasabihin ang dahilan. - Sasang-ayon din sa kausap.
- Pipili ng pagkain at itatanong sa kausap kung
gusto rin ito.
24- 2. Ikalawa, maaring sitwasyon na may impormasyon
sa mga mag-aaral ngunit malaya sila sa pagbuo ng
usapan ayon sa hinihingi sa sitwasyon. - Halimbawa
- Paksa Pagpapaalam para sumama sa field trip
- Gamit ng wika Pamamaalam, panghihikayat,
pagpapaalala - Kayariang gagamitin Mga pangungusap na
nakikiusap, nagpapaliwanag, mga magagaling na
ekspresyon tulad ng maari po ba, sige na po, at
mag-ingat ka.
25- Kard ng Mag-aaral A
- Galing ka sa eskwela. Sinalubong ka ng nanay
mo. Nagmano ka. Sinabi mo na may field trip kayo
sa darating na Sabado. Nagpapaalam ka sa kanya.
Hihikayatin mo siya na payagan kang sumama at
magbigay ka ng dahilan. Magpapasalamat ka sa
pagpayag ng ina at hihingi ka rin ng pera
pambayad sa bus at pambili ng baon.
26- Kard ng Mag-aaral B
- Tatanungin mo ang dahilan kung bakit may field
trip, saan, sino, ang mga kasama, gaano katagal
ito gagawin. Papayagan ang anak matapos marinig
ang paliwanag. Magpapaalam sa anak. Bibigyan ng
pera ang anak para sa field trip.
27- B. Paghahanda ng mga gawaing aktwal na ginagawa
sa loob at labas ng paaralan (simulation) - Ito ay masasabing simplikasyon ng mga tunay na
sitwasyon sa buhay. Ang mga halimbawa ng ganitong
gawain ay ang sumusunod - 1. Pagsasagawa ng eleksyon ng pamunuan ng
klase. - 2. Pagpupulong ng club o samahan
-
-
-
28- 3. Pagpupulong ng klase tungkol sa field trip
- Pakikipanayam sa bisita sa klase.
- Pagtatalo ng mga paksa ng nauuol sa kasalukuyang
mga isyu sa bansa. - Pagsasagawa ng pag-aaral sa paaralan tungkol sa
pagkaing binibili ng mga mag-aaral at tungkol sa
mga gawi sa pag-aaral (study habits).
29- Paghahanda ng mga sitwasyon na isasadula ng mga
mag-aaral nang daglian o unscripted play - Maari namang mula sa mga kuwento na binasa sa
aklat sa pagbasa o panitikan ay makabuo ng script
ang mga mag-aaral na isasadula sa klase.
30- Pagtitipon ng mga biswal tulad ng mga poster,
anunsyo, mapa, tsart, grap, karikatura, movie
page, at TV programs na pagkukunan ng impormasyon
at pag-uusapan sa klase. - Ang halimbawa ng ganitong biswal ay ang
karikatura tungkol sa pagputol ng mga kahoy sa
kagubatan. Maaring pag-usapan sa klase ang mga
epekto nito, ang mga paraan na dapat gawin upang
maiwasan ang pagkakalbo ng kagubatan, atbp.
31- E. Paghahanda ng mga larong pangwika
- Ibat ibang larong pangwika ang maihanda ng
guro na magsasanay sa mga mag-aaral upang mahasa
sa pagpapahayag. Ang ilan sa mga ito ay ang
sumusunod - 1. Dugtungan Mo
- Ito ay isang dugtungang pagkukuwento.
Sisimulan ng guro o isang mag-aaral ang kuwento
at ito ay durugtungan ng iba pang mag-aaral sa
bawat pangkat. -
32- Ihatid Mo
- Sa larong ito, papangkatin ng guro ang
mag-aaral. Bibigyan ng guro ng mensahe ang lider
ng bawat pangkat at sasabihin naman ng lider ang
mensahe nang pabulong sa isa sa kanyang kapangkat
hanggang makarating ito sa kahuli-hulihang
kasapi. Ang huling mag-aaral ay siyang mag-uulat
ng mensahe sa klase. Ang pangkat na makapag-ulat
ng buo at malinaw na mensahe ay may puntos.
33- Magbugtungan Tayo
- Ilalarawan ng mga mag-aaral ang mga bagay, tao,
hayo o lugar at pahuhulaan ito sa mga kaklase.
34- Ituloy Mo
- Bubunot o kukuha sa kahon ang mga mag-aaral ng
kapirasong papel na may nakasulat na pahayag na
hindi tapos. Itutuloy nila ang mga pahayag ayon
sa kanilang palagay o pananaw. - Halimbawa
- Nababahala ako sa mga
- Marami na ngayong nangyayari
35- Paghahanda ng mga gawaing transcoding
- Ito ay isang paraan ng pagsasalin mula sa isang
anyo ng pagpapahayag tungo sa iba pang anyo. Ang
mga halimbawa ng ganitong gawain ay ang mga
sumusunod - 1. Isang patalastas o anunsyo na isasalin sa
anyong tuluyan. - 2. Isang pagpapahayag na gagawing anyong
telegrama - 3. Isang tala o impormasyong nabasa na
gagawing balita - 4. Kuwento na gagawing dula-dulaan
- 5. Mapa ng isang lugar na ilalahad sa isang
talata
36- Sa pagsasaayos ng kurikulum inilapat ang
Understanding by Design (UBD) na modelo nina Jay
Mctighe at Grant Wiggins. Narito ang mga elemento
ng kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010.
37- Antas 1 Resulta/Inaasahang Bunga
- Tinitiyak kung ano ang dapat matutuhan at
maisagawa ng mag-aaral sa loob ng isang markahan,
yunit o kurso makikita sa bahaging ito ng Gabay
sa Kurikulum ang mga pamantayang pangnilalaman,
pamantayan sa pagganap, mga kakailanganing
pag-unawa at mahalagang tanong.
38A.1. Ang Pamantayang Pangnilalaman ay ang
mahahalagang paksa o konsepto na dapat maunawaan
ng mag-aaral sa bawat asignatura. Sinasagot ng
bahaging ito ang tanong na, Ano ang nais
nating matutuhan at maisagawa ng mag-aaral
pagkatapos ng isang markahan o yunit?
39A.2. Ang Pamantayan sa Pagganap ay ang tiyak na
produkto o pagganap at ang antas o lebel na
inaasahang maisagawa ng mag- aaral pagkatapos ng
isang markahan o yunit. Sinasagot ng bahaging
ito ang tanong na Paano isasagawa ng mag-aaral
ang inaasahang produkto o pagganap? Anong antas
o lebel ng pagganap ang dapat magawa ng
mag-aaral upang makapasa siya sa pamantayan?
40B. Ang Mga Kakailanganing Pag- unawa ay ang
mahahalagang konsepto na dapat matutuhan ng
mag-aaral sa bawat asignatura. Mga konseptong
hindi makakalimutan at magagamit ng
mag-aaral sa kanyang pamumuhay.
41C. Ang Mahahalagang Tanong ay mga tanong na
nasa mataas na lebel at inaasahang masasagot
ng mag-aaral pagkatapos ng isang markahan o
yunit. Kinakailangang ang mga ito ay nasasagot
ng Mga Kakailanganing Pag-unawa.
42- Antas 2 Pagtataya
- Ito ang mga inaasahang produkto o pagganap
inaasahang antas ng pag-unawa at pagganap ng
mag-aaral at mga kraytirya o panukat na
gagamitin sa pagtatay ng inaasahang produkto o
pagganap.
43A. Ang Produkto o Pagganap ay ang inaasahang
maisasagawa pagkatapos ng isang paksa o
markahan. Ito ang magpapatunay na natutuhan
niya ang mahahalagang konseptong nakapaloob sa
isang markahan/asignatura.
44B. Ang Antas ng Pag-unawa ang susukat sa ibat
ibang aspekto ng pag-unawa ng mag-aaral sa
mahalagang konseptong dapat niyang matutuhan.
Masasabing may pag-unawa na ang mag-aaral kung
siyay may kakayahan nang magpaliwanag, magbigay
ng sariling kahulugan, makabuo ng sariling
pananaw, makadama at makaunawa sa damdamin ng
iba, makapaglapat, at makilala ang kanyang sarili.
45C. Ang Antas ng Pagganap ay ang inaasahang
produkto o pagganap na maisasagawa ng mag-aaral.
Makikita rin sa bahaging ito ang kraytirya sa
pagtataya ng nasabing produkto o pagganap.
46- Antas 3 Mga Plano ng Pagkatuto
- Mga gawaing instruksyunal at mga kagamitan na
gagamitin ng guro at mag-aaral sa loob ng klasrum
na makatutulong upang matamo ang mga pamantayan.
Inaasahan ang pagiging malikhain ng guro sa
pagpapatupad ng antas na ito dahil nakasalalay
ang ikapagtatagumpay ng pagtuturo-pagkatuto.
47A. Ang Mga Gawaing Instruksyunal ay binubuo ng
mga gawaing isasagawa ng guro at mag-aaral sa
loob ng klasrum upang matamo ang mga pamantayan,
matutuhan ang mga kakailanganing
pag-unawa at masagot ang mahahalagang tanong.
48B. Ang Mga Kagamitan ay gamit ng mga guro at
mag-aaral upang maisakatuparan ang mga gawaing
instruksyunal.
49- Mga Gabay na Tanong sa Pagsasaayos ng Kurikulum
ng Edukasyong Sekondari ng 2010
50- Pamantayang Pangnilalaman
- Masasalamin ba sa Pamantayang Pangnilalaman ang
resulta o inaasahang bunga? Ang mahalagang ideya,
isyu, prinsipyo o konsepto na dapat matutuhan ng
mag-aaral sa bawat asignatura na magagamit niya
maging sa labas ng paaralan? - Masusukat at matatamo ba ng mag-aaral ang mga
binuong pamantayan?
51- Pamantayang Pagganap
- Masasalamin ba sa Pamantayan sa Pagganap ang mga
kraytirya kung paano tatayain ang produkto o
pagganap ng mag-aaral?
- Masasagot ba nito ang tanong na Ano ang
inaasahang magagawa ng mag-aaral?
52- Pamantayang Pag-unawa
- Ito ba ang malalaki at mahahalagang konsepto na
nais maipaunawa sa mag-aaral? - Masasailalim ba dito ang mga manginahing
suliranin, isyu na dapat malaman ng mag-aaral?
53- Mahahalagang Tanong
- Nakatuon ba ang mga tanong sa mahahalagang isyu o
suliranin? - Ang mga tanong ba ay masasagot ng Kakailanganing
Pag-unawa? - Ang mga tanong ba ay may kabuluhan sa buhay ng
mag-aaral? Sa lipunan? - Ang mga tanong ba ay kaagad na masasagot ng
mag-aaral? - Akma ba ang tanong sa kawilihan, edad at
kakayahan ng mag-aaral?
54- Narito ang mga Katangian ng Kurikulum ng
Edukasyong Sekondari ng 2010 - nakatuon sa mahahalagang konsepto at
kakailanganing pag-unawa - mataas ang inaasahan (batay sa mga pamantayan)
tinitiyak kung ano ang dapat matutuhan at ang
antas ng pagganap ng mag-aaral - mapanghamon- gumagamit ng mga angkop na
istratehiya upang malinang ang kaalaman at
kakayahan ng mag-aaral - inihahanda ang mag-aaral tungo sa paghahanapbuhay
kung di man makapagpapatuloy sa kolehiyo - tinitiyak na ang matututuhan ng mag-aaral ay
magagamit sa buhay.
55- Batayang Konseptwal ng Filipino (Deskripsyon)
- Tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng
2010 (Secondary Education Curriculum) ang
Kapakipakinabang ng Lietrasi para sa lahat
(Functional Literacy For All) na ibinatay sa
mithiing Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education
For All 2015).
56- Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na
malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, at (2)
kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang
literasi ng mga mag-aaral sa lebel sekondari.
Lilinangin ang limang kasanayan pakikinig,
pagbasa, panonood, pagsasalita at pagsulat sa
tulong ng ibat ibang dulog at pamamaraan tulad
ng Komunikatibong Pagtuturo ng Wika (KPW),
Pagtuturong Batay sa Nilalaman (PBN) ng ibat
ibang tekstong literari (rehiyunal, pambansa,
saling-tekstong Asyano at pandaigdig), at
Pagsasanib ng Gramatika at Retorika sa tulong ng
ibat ibang Teksto (PGRT).
57- Isinasaalang-alang din ang pagsasanib ng mga
pagpapahalagang pangkatauhan (Values Integration)
sa pag-aaral at pagsusuri ng ibat ibang tekstong
literari.
- Sa pamamagitan nito at matapos mapag-aralan,
masuri at magamit ang ibat-ibang teorya sa
pagkatuto at paggamit ng wika, at pagsusuring
literasi, inaasahang matatamo ng mga guro ng
Filipino ang mga layuning nabanggit batay sa
inilarawan sa batayang konseptwal.
58Maraming Salamat po!